I’d been working as an Engineer here in Singapore for about 4 years now and it seems na hindi madali ang maging isang OFW. Malaki nga ang kinikita namin compare that sa dapat naming kikitain if we will be working dyan sa Pilipinas. Masasabi nating halos 4x bigger ung difference ng wage but is it worth it? Some will say “ok” but i will say “Break Even lang”. kung magkakarun tayo ng tabulation at auditing for just a comparison sake, i would come up siguro ng ganitong table written below;

1.) 100% of Salary will be paid – Dahil sa Malayo ka sa Pamilya mo, 100% of the earnings ng sweldo mo sa Pilipinas will be added if you will be working Abroad, Kumbaga Pampabayad lungkot o “Home Sick”, Okay lang ang maging malungkot o mangungulila dahil well compensated ka naman..”Hahaha” ,Nakakatuwa isipin pero , it’s true..Every luha na papatak dyan sa Mata mo ay Bayad..Pinili mo ito dahil sa Pamilya mo at sa Salaping kikitain mo , aminin man natin o hindi, “yes”, dahil nga sa lintik na salapi na yan kaya natitiis nating maging malungkot..

2.) Another 100% of Salary will be paid -Dahil sa pagtitiis mong Maalipusta ng mga Employer o ng co-employee mo, It is known for a fact na mataas talaga yung level ng discrimination dito sa Abroad, lalo na at galing ka sa bansang mahirap lang gaya ng Pilipinas. Majority of mga local dito sa Abroad ay talagang grabe kung mangmata ng mga Expats na kagaya nating mga Pilipino, Even in Promotions and Recognitions , Mabagal yung Pag angat. Well, me mga kasabihan nga ang mga OFW na Mas mahalaga yung sinasahod kesa sa anumang promotion, maaaring totoo pero ang isyu ay hindi dahil sa income but it is what you will earn na respect as well as yung acceptance.  Anyway, for now nothing we can do about it, as long as you had been paid good enough para matiis ito, i guess “ok lng”, anu pa ba yung magagawa mo, do we have any other choice? Sana nga meron pero WALA eh..

3.) And the last 100% of Salary will be paid -Dahil sa pagtitiis mong magtrabaho ng napakahirap at mahaba, marahil part of your salary ay nakalaan sa hospitalization fee mo ,kung hindi man sa ngayon baka sa ibang panahon. Isa din kasing katotohanan na karamihan sa mga OFW ay nagkakasakit not during sa panahon na nagtatrabaho sila but mostly after they retire or quit from the job.

Siguro sa 300% na sweldo na tinaas namin working abroad, masasabi nating “Break Even lang” , Pero ang tanong ay kung bakit nagtitiis pa rin kami..Siguro marahil na hindi  na namin iniisip yung aming mga sarili, we can take lahat ng mga paghihirap na ito para lang makatulong sa mga mahal namin sa Buhay. It is very unfortunate to know na hindi namin magagawang tumulong sa pamilya while working dyan sa Pilipinas. Ang Kapalaran ng isang OFW ay ang tumulong sa Pamilya, we are destined to do that..and we will do that until na kaya pa namin..