TiagoHoisel-3d-character-design.preview.jpg

1—Sa LOVE, walang bingi; walang bulag; walang pipi…pero TANGA marami.

2—Kapag sinabihan ka nang: “Ang ganda mo!”, mag-thank you ka na lang. Minsan ka na  nga lang sabihan, mag-iinarte ka pa.

3—Aanhin mo ang palasyo kung walang internet connection dito. Mabuti pang mag-stay sa bahay kubo, sa Wi-Fi zone nakapuwesto.

4—Aanhin mo ang pera’t mansiyon, kung nagmumura ang iyong bilbil at puson.

5—Labs, para kang damit na suot ko ngayon. Simple lang pero bagay sa akin.

6—Kapag mahal mo, ipaglaban mo. Pero kung pinagmumukha ka nang tanga, iwan mo na.

7—Mamatay-matay ka sa selos, hindi naman pala kayo. Ano ba ‘yun !

8—Lagi na lang ninyong sinisisi ang mga taong “paasa”. Hindi kaya, kasalanan mo dahil “assuming” ka lang?

9—Kapag sumama ka sa matatalino, tatalino ka rin. Kapag sumama ka sa adik, magiging adik ka rin. Try mong sumama sa akin, baka sakaling maging akin ka rin.

10—Ang mabuting lalaki, “stick to one”, hindi 3 in 1.

11—Kaysa mabuwisit, love your “haters”. Sila ang ebidensiya na hindi ka pa nga artista, may mga fans ka na.

12—Aanhin pa ang tiwala, kung ang hinala ay laging tumatama?